May mga taong nagsasabing nakakita sila ng mga
kaluluwa dahil ang kanilang mga kamag-anak na namatay ay nagpapakita sa kanila.
Ang mga patay ay hindi na puweding bumalik, dahil ang Bibliya mismo ang nagpatunay nito.
Ang mga patay ay hindi na puweding bumalik, dahil ang Bibliya mismo ang nagpatunay nito.
"Tulad ng ulap na napapadpad at naglalaho, kapag namatay ang tao, di na siya makakabalik sa mundo. Hindi na siya makakauwi kailanman, mga kakilala niya, siya'y malilimutan."(Job 7:9-10)
Kung hindi totoong nagpapakita ang mga namatay na, nangangahulogan nga ba na gumagawa lamang ng kwento ang mga kapatid natin na nagsasabing nakikita nila ang kanilang mga kamag-anak na namatay na?
Malamang na ang iba sa kanila ay gumagawa lamang ng mga bagay na walang katotohanan para lamang mapansin, pero maaari rin na totoo ang sinasabi ng iba na may mga nagpapakita, subalit hindi ito ang kanilang mga kamag-anak na namatay o sinumang tao na namatay na.
Tandaan po natin na may mga anghel din si satanas na kasama niyang nagrebelde sa Diyos at ang mga ito ay tinatawag nating mga fallen angels.
“Go, cursed people, out of my sight into the eternal fire which has been prepared for the devil and his angels!”(Matthew 25:41)
Kung meron tayong naririnig na mga white lady, black lady, kapre, engkanto o anumang mga nilalang na nakakatakot ay sila po ang mga fallen angels na kasama ni satanas na nagrebelde sa Diyos.
Kasama po sila sa mga sinasabi ni Apostol Pablo sa kanyang sulat sa mga taga-efeso.
"Sapagkat hindi tayo nakikipaglaban sa mga tao, kundi sa mga pinuno, sa mga maykapangyarihan, at sa mga tagapamahala ng kadilimang umiiral sa sanlibutang ito---ang mga hukbong espirituwal ng kasamaan sa himpapawid."(Efeso 6:12)
At pwedi po nilang gayahin ang mukha ng kahit sinong tao na namumuhay dito sa mundo, kaya hindi kataka-taka na kahit mukha ng mga namatay na ay kaya din nilang gayahin.
"Hindi ito dapat pagtakhan sapagkat si Satanas man ay maaaring magkunwaring anghel ng kaliwanagan."(2 Corinto 11:14)
Una, dahil alam ni satanas na marami sa atin ang hindi nagbabasa ng Bibliya. Alam din ni satanas na magiging totoo ang sinasabi sa Bibliya na darating ang panahon na marami sa mga tao ang hindi na makikinig sa itinutoro ng Banal na Kasulatan, sa halip mas paniniwalaan nila ang mga kwento na walang katotohanan
"Hindi na sila makikinig sa katotohanan, sa halip ay ibabaling ang kanilang pansin sa mga alamat."(2 Timoteo 4:4)
Gusto ni satanas na paniwalain ang mga tao sa kasinungalingan dahil siya mismo ang ama nito.
“Ang diyablo ang inyong ama! At ang kagustuhan niya ang ibig ninyong gawin. Noon pa man ay mamamatay-tao na siya. Hindi siya pumanig sa katotohanan kailanman, sapagkat walang puwang sa kanya ang katotohanan. Likas sa kanya ang magsinungaling, sapagkat siya'y talagang sinungaling, at siya ang ama ng kasinungalingan.”(Juan 8:44)
Pangalawa, gusto ni satanas na lahat ng mga tao lalong lalo na ang mga kabataan ay matakot sa mga kwento at mga kababalaghan.
Ang takot ay isa sa mga paraan ni satanas para maihiwalay ang buong pananampalataya ng tao sa Diyos.
“Walang kasamang takot ang pag-ibig at pinapawi ng ganap na pag-ibig ang anumang pagkatakot. Hindi pa ganap ang pag-ibig ng sinumang natatakot, sapagkat ang takot ay kaugnay ng parusa.”(1 Juan 4:18)
Very True. Thanks. for this.
naalala ko tuloy ang turo nung high school pa kami, kapag nasasa iyo ang Diyos at ang katotohanan ay hindi dapat matakot bagkus ay mas lalo mo pa ito hihigpitan ang pananalilig sa Panginoon. if you are in weary/down/upset/trouble/fear, I just utter this prayer faithfully "THE LORD IS MY SHEPHERD I SHALL NOT WANT" and everything will be fine. Prayer is the only armor to safeguard against from the attacks of satan.